8: 30 PM
SANTIAGO 3:17
Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Siyay maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.
Lesson:
Kailangan nating magtiwala sa ating Panginoon, dapat nating taglayin ang mga katangiang ito upang magkaroon tayo ng tahimik,maayos na pamumuhay kasama ang ating Panginoong Jeus.
Application:
Maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.Mga karunungang mula sa ating Diyos na marapat lamang nating taglayin.Ngunit paano ko matataglay ang mga katangiang ito gayong kadalasan ang kaaway laging nadiyan sa tabi handang gawin ang lahat lumayo lamang ako sa aking pananampalataya. Subalit sisikapin kong mataglay ang mga katangiang ito sapagkat ang na kay Cristo, ang nagtitiwala sa kanya anumang gawin ng kaaway hindi ito matitinag sa gawa ng mga kaaway.
Prayer
Panginoon lubhang napakahirap po sa akin na taglayin ang mga karunungang ito panginoon subalit pagsusumikapan kung mataglay ang mga ito upang magkaroon ako ng tahimik,payapa at masayang pamilya. Amen
No comments:
Post a Comment