Saturday, April 19, 2014

FILIPOS 4: 8 - 9

Filipos 4 : 8-9
           Sa wakas, mga kapatid,dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri - puri,mga bagay na totoo, marangal,matuwid,malinis,kaibig - ibig, at kagalang-galang.Isagawa ninyo ang lahat ng inyong naririnig, natututuhan,tinanggap at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Lesson:
      Maging positibo pa rin sa buhay, gaano man kahirap ang pinagdadaanan sapagkat ang ating Diyos lagi niyang pinapaalala sa atin na ang kapayapaan ay nagmumula sa ating Diyos,magtiwala at manalig lamang tayo sa kanya.

Application:
     Sa pamumuhay namin bilang isang pamilya,sa kabuuan,isa rin ako sa lahat ng tao na dumadaan sa matinding hamon ng buhay.Ipinapaalala sa akin ng bible verses na ito ang mga katangian na dapat kong taglayin bilang isang tao na  kung minsan buong tatag,at kung minsan nawawalan na ng pag-asang matatamo ko pa ang kapayapaan na ibinibigay ng ating Diyos. Ang pagiging positibong mag isip, upang malagpasan ang lahat ng hamon na ito ng buong tatag,at buong pagmamalaking maihayag na kasama ko ang Diyos sa lahat ng dako.

Prayer:
    Panginoon, linisin mo po ang aking isipan,mapalitan sana ito ng bagay na karapat - dapat, kapuri - puri, malinis, kaibig - ibig at kagalang - galang. Tulungan niyo din po akong maisagawa ito,tulungan niyo po akong ipaalala ang mga bagay na ito sa tuwing ako po ay may hindi kanais - nais na iniisip upang sa gayon matamo ko ang kapayapaan,kapanatagan kasama ka O Diyos. Amen......

No comments:

Post a Comment