April 20, 2014
9 : 00 am
MATEO 18 - 21: 35
Ang talinghaga tungkol sa Lingkod na Di - Marunong magpatawad.
Lesson:
Gaano man kalaki ang kasalanan na nagawa ng isang tao ang ating Diyos ay laging nagpapatawad, at ang sinumang hindi marunong magpawad kailanman hindi mahahabag ang ating Amang nasa langit.
Application:
Matuto sana akong magpakumbaba,magpatawad,kontrolin ang aking sarili sa mga naririnig,nababasa para hindi maapektuhan ang aking sarili,ang pamumuhay naming mag - asawa. Sa galit na nararamdaman ko sa aking kapwa,sa mga pinagdadaanan ko sa buhay na naging dahilan para lumayo sa ating Diyos Ama,sa ating panginoong Jesus.Masxado akong nakulong,nagpadala sa aking galit.Huwag sana akong magaya sa napapaloob sa talinhagang ito na pinatawad ng pinagkasalaan pero siya mismo hindi nagpatawad sa taong nakautang sa kanya kaya siya pinarusahan.Sana dumating ang panahon maghilom ang mga sugat at mapalitan ito ng pusong handang magpatawad.Mahirap gawin panginoon pero sisikapin kong mabago ang aking sarili, upang makapagpatawad at humingi ng tawad,alam ko pong mahirap itong gawin panginoon upang sa ganun maging karapat dapat sa inyo panginoon.
Prayer:
O Diyos, alam ko pong kasalanan ang hindi magpatawad sa kapwa,isang mabigat na pagkakasala. Tulungan niyo ako Panginoong Jesus na matutong magpatawad, nawa'y maalis ang galit na nasa puso ko. Sana'y mapatawad din ako ng mga taong nasaktan ko.Linisin niyo po ang aking puso panginoong Jesus upang mapalitan ito ng pusong matapat na maglilingkod sa iyo. Amen..........
No comments:
Post a Comment