Monday, April 21, 2014

Santiago 3:1

April 21,2014
7: 05 pm

Santiago 3-1
     Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo yamang alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mahigpit kaysa iba.
 Lesson:
        Bago tayo magsalita tungkol sa mga salita mula sa ating Diyos,tingnan muna natin ang ating mga sarili kung nararapat ba tayong maghasik nito sa ating kapwa.

Application:
       Noong una natutuwa ako na malaman na may mga  kristiyano talagang isinasabuhay at ibinabahagi sa iba ang karunungang mula sa ating Diyos, subalit kaydaling nawala ang tiwalang iyon ng masaksihan ko mismo na ang mga ito ay maituturing na isa rin sa mga bulaang guro sapagkat mismong sila mismo hindi ito naisasabuhay. Sa iba busilak ang mga lumalabas sa bibig ngunit sa likod nito naitatago ang isang pagbabalatkayo.Paano ako magtitiwala pa sa mga taong ito gayong mabuti ka lang kapag nakaharap ka,subalit kapag nakatalikod ka na mga pawang kalapastangan ang lumalabas sa mga bibig.Isang kasalanan sa ating Panginoon ang hindi ko na pakikinig sa mga taong ito,isa ako sa mga taong hindi palabasa ng bibliya,at lubos ang paghanga ko sa mga taong maraming alam na verses,magaling manalangin pero mga balatkayo. Hindi ako magdudunung - dunungan subalit sisikapin kong maging isang gurong nagbabahagi ng salita ng ating Panginoong Jesus na walang halong pagbabalatkayo sapagkat natatakot ako na ako ay mahatulan ng mas mahigpit kaysa sa iba. Sisikapin kong magamit ang aking dila sa paraang hindi nakakasakit,at titignan ko muna ang aking sarili kung nararapat ba akong maghasik nito sa ating kapwa.

Prayer:
      Panginoon tulungan niyo po akong mabago ang aking sarili,sana maging isa rin ako sa mga gurong tunay,tapat na naglilingkod sa iyo panaginoon.Baguhin niyo po ako panginoon at gamitin niyo po ako Panginoon bilang tagahasik sa aking kapwa...AMEN..

No comments:

Post a Comment