Friday, June 30, 2017

Pahayag 2: 2-6

Pahayag 2: 2-6
      Nalalaman ko ang mga ginawa mo, ang iyong mga pagpapagal at pagtitiyaga. Alam kong namumuhi ka sa masasama. Sinubok mo ang mga nagpanggap na apostol, at napatunayan mong sila'y bulaan. Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin,at hindi nanlupaypay. Ngunit ito ang ipnagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin_ hindi mo na ako mahal tuld ng dati. Alalahaninmo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, gawin mong muli ang mga ginawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan. Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo: kinapopootan mo ring tulad ko ang ginagawa ng mga nIcolaita.
   Lesson:
          Matutong magtiis ng hirap, huwag manlupaypay sa gitna ng mga paghihirap na dinaranas sa buhay.Talikuran ang mga masasamang gawa,magsisi sa mga ginawang kasalanan at muling  ibalik ang dating init ng pananampalataya sa Panginoong Jesus upang hindi bawiin ng ating Diyos ang mga biyaya na ipinagkaloob niya na magpahanggang ngayon ay ating tinatamasa.

Application:
       Sa buhay ko,marami akong dinaranas na mga pasakit,paghihirap,dati rati gaano man kabigat ang suliranin ko sa buhay nahaharap ko ito ng buong tatag kasama ng ating Panginoon. Ngunit ngayon unti unti na akong lumalamig sa aking pananampalataya,pakiramdam ko pinabayaan na ako ng ating Panginoon sapagkat lahat ng pagdurusa ay nasa akin na subalit nagkamali ako,kasalanan ko kung bakit ganito ang nagiging takbo ng aking buhay sapagkat nanlamig ako sa ating Panginoon.Patawarin mo po ako panginoon sapagkat nakalimutan kita. 

Prayer:
     Panginoon humihingi po ako ng kapatawaran sa napakaling pagkukulang ko sa inyo,patawarin niyo po ako sapagkat nanlamig ako sa aking pananampalataya. Tulungan niyo po ako panginoon na muling mapanumbalik ang dating ako, may respeto sa kapwa,marunong magtimpi.Tulungan niyo din po ako pangnoon na malagpasan ang lahat ng gawa ng kaaway upang sa ganun panginoon hindi siya magtagumpay.Patawarin niyo po ako Panginoon kung labis akong nagpadala sa aking emosyon,alam ko pong natutuwa sa akin ang Diyablo sapagkat ang kagustuhan niya ang aking nasusunod sa bawat araw.Tulungan niyo po ako panginoon na maituwid ang lahat ng mga pagkakamali ko,linisin niyo po ako Panginoon.Naway dumaloy sa aking buong katawan ang iyong banal na espiritu santo panginoon upang makapaglingkod ako ng buong katapatan. Amen. 
         

No comments:

Post a Comment