Monday, April 21, 2014

SANTIAGO 3:17

8: 30 PM
SANTIAGO 3:17
          Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Siyay maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.


Lesson:
       Kailangan nating magtiwala sa ating Panginoon, dapat nating taglayin ang mga katangiang ito upang magkaroon tayo ng tahimik,maayos na pamumuhay kasama ang ating Panginoong Jeus.

Application:
        Maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.Mga karunungang mula sa ating Diyos na marapat lamang nating taglayin.Ngunit paano ko matataglay ang mga katangiang ito gayong kadalasan ang kaaway laging nadiyan sa tabi handang gawin ang lahat lumayo lamang ako sa aking pananampalataya. Subalit sisikapin kong mataglay  ang mga katangiang ito sapagkat ang na kay Cristo, ang nagtitiwala sa kanya anumang gawin ng kaaway hindi ito matitinag sa gawa ng mga kaaway.



Prayer
      Panginoon lubhang napakahirap po sa akin na taglayin ang mga karunungang ito panginoon subalit pagsusumikapan kung mataglay ang mga ito upang magkaroon ako ng tahimik,payapa at masayang pamilya. Amen

Santiago 3:1

April 21,2014
7: 05 pm

Santiago 3-1
     Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo yamang alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mahigpit kaysa iba.
 Lesson:
        Bago tayo magsalita tungkol sa mga salita mula sa ating Diyos,tingnan muna natin ang ating mga sarili kung nararapat ba tayong maghasik nito sa ating kapwa.

Application:
       Noong una natutuwa ako na malaman na may mga  kristiyano talagang isinasabuhay at ibinabahagi sa iba ang karunungang mula sa ating Diyos, subalit kaydaling nawala ang tiwalang iyon ng masaksihan ko mismo na ang mga ito ay maituturing na isa rin sa mga bulaang guro sapagkat mismong sila mismo hindi ito naisasabuhay. Sa iba busilak ang mga lumalabas sa bibig ngunit sa likod nito naitatago ang isang pagbabalatkayo.Paano ako magtitiwala pa sa mga taong ito gayong mabuti ka lang kapag nakaharap ka,subalit kapag nakatalikod ka na mga pawang kalapastangan ang lumalabas sa mga bibig.Isang kasalanan sa ating Panginoon ang hindi ko na pakikinig sa mga taong ito,isa ako sa mga taong hindi palabasa ng bibliya,at lubos ang paghanga ko sa mga taong maraming alam na verses,magaling manalangin pero mga balatkayo. Hindi ako magdudunung - dunungan subalit sisikapin kong maging isang gurong nagbabahagi ng salita ng ating Panginoong Jesus na walang halong pagbabalatkayo sapagkat natatakot ako na ako ay mahatulan ng mas mahigpit kaysa sa iba. Sisikapin kong magamit ang aking dila sa paraang hindi nakakasakit,at titignan ko muna ang aking sarili kung nararapat ba akong maghasik nito sa ating kapwa.

Prayer:
      Panginoon tulungan niyo po akong mabago ang aking sarili,sana maging isa rin ako sa mga gurong tunay,tapat na naglilingkod sa iyo panaginoon.Baguhin niyo po ako panginoon at gamitin niyo po ako Panginoon bilang tagahasik sa aking kapwa...AMEN..

Saturday, April 19, 2014

FILIPOS 4: 8 - 9

Filipos 4 : 8-9
           Sa wakas, mga kapatid,dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri - puri,mga bagay na totoo, marangal,matuwid,malinis,kaibig - ibig, at kagalang-galang.Isagawa ninyo ang lahat ng inyong naririnig, natututuhan,tinanggap at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Lesson:
      Maging positibo pa rin sa buhay, gaano man kahirap ang pinagdadaanan sapagkat ang ating Diyos lagi niyang pinapaalala sa atin na ang kapayapaan ay nagmumula sa ating Diyos,magtiwala at manalig lamang tayo sa kanya.

Application:
     Sa pamumuhay namin bilang isang pamilya,sa kabuuan,isa rin ako sa lahat ng tao na dumadaan sa matinding hamon ng buhay.Ipinapaalala sa akin ng bible verses na ito ang mga katangian na dapat kong taglayin bilang isang tao na  kung minsan buong tatag,at kung minsan nawawalan na ng pag-asang matatamo ko pa ang kapayapaan na ibinibigay ng ating Diyos. Ang pagiging positibong mag isip, upang malagpasan ang lahat ng hamon na ito ng buong tatag,at buong pagmamalaking maihayag na kasama ko ang Diyos sa lahat ng dako.

Prayer:
    Panginoon, linisin mo po ang aking isipan,mapalitan sana ito ng bagay na karapat - dapat, kapuri - puri, malinis, kaibig - ibig at kagalang - galang. Tulungan niyo din po akong maisagawa ito,tulungan niyo po akong ipaalala ang mga bagay na ito sa tuwing ako po ay may hindi kanais - nais na iniisip upang sa gayon matamo ko ang kapayapaan,kapanatagan kasama ka O Diyos. Amen......

MATEO 18 - 21:35

HOLY BIBLE DEVOTION
April 20, 2014
9 : 00 am


MATEO 18 - 21: 35
               Ang talinghaga tungkol sa Lingkod na Di - Marunong magpatawad.




Lesson:
          Gaano man kalaki ang kasalanan na nagawa ng isang tao ang ating Diyos ay laging nagpapatawad, at ang sinumang hindi marunong magpawad kailanman hindi mahahabag ang ating Amang nasa langit.


Application:
         Matuto sana akong magpakumbaba,magpatawad,kontrolin ang aking sarili sa mga naririnig,nababasa para hindi maapektuhan ang aking sarili,ang pamumuhay naming mag - asawa. Sa galit na nararamdaman ko sa aking kapwa,sa mga pinagdadaanan ko sa buhay na naging dahilan para lumayo sa ating Diyos Ama,sa ating panginoong Jesus.Masxado akong nakulong,nagpadala sa aking galit.Huwag sana akong magaya sa napapaloob sa talinhagang ito na pinatawad ng pinagkasalaan pero siya mismo hindi nagpatawad sa taong nakautang sa kanya kaya siya pinarusahan.Sana dumating ang panahon maghilom ang mga sugat at mapalitan ito ng pusong handang magpatawad.Mahirap gawin panginoon pero sisikapin kong mabago ang aking sarili, upang makapagpatawad at humingi ng tawad,alam ko pong mahirap itong  gawin panginoon upang sa ganun maging karapat dapat sa inyo panginoon.


Prayer:
      O Diyos, alam ko pong kasalanan ang hindi magpatawad sa kapwa,isang mabigat na pagkakasala. Tulungan niyo ako Panginoong Jesus na matutong magpatawad, nawa'y maalis ang galit na nasa puso ko. Sana'y mapatawad din ako ng mga taong nasaktan ko.Linisin niyo po ang aking puso panginoong Jesus upang mapalitan ito ng pusong matapat na maglilingkod sa iyo.  Amen..........



Thursday, April 17, 2014

Hindi lahat ng love story may happy ending........

Kapag umiibig ka kailangang ihanda  ang puso mo sa sakit na mararamdaman mo sa paglipas ng panahon,hindi laging puro saya ang mararamdaman mo.

Hindi ko maiwasang malungkot sa sinapit na love story ng mahal kong kaibigan....Second Year High School kami noon,nakaupo kami sa 3rd row,ang crush naman ng kaibigan ko nakaupo sa 2nd row,kapag inaasar siya sa boy umiiyak siya,lumipas ang panahon,hanggang sa grumadweyt na tayo ng high school,we separate our ways na,ang aking best friend sa ISU nag - aral at siya naman sa NC........Wala na akong balita sa kanilang dalawa.......
Hanggang sa isang araw sa public market nakasalubong namin kayong dalawa ng ate ko,I WAS A LITTLE BOTH SHOCK,SURPRISED knowing na kayong dalawa na pala,sabi ko tuloy sa ate ko ATE SILA NA???????????,........My heart was filled with so much joy.....dahil sa wakas naging kayo nang dalawa.....he was his first boyfriend,..............first heart ache..........................................................
What went wrong,,,,,,,,,,He passed the Board Examination for Geodetic Engineer,and my dear bestfriend works hard too..kung saan saan ka na nakakarating,until one day the boy texted me " Alam mo ba ang number ng bes mo, hindi ko na kasi siya makontak e,I LOVE her so much........hindi ko rin alam pero sabi ko sa kanya may nagmimiscalll sa akin I think sa ibang bansa to e,,,,,and I found out it was her.................nangibang bansa ka pala...........

Lumipas ang araw,buwan.....someone texted me inviting me to attend a wedding,,,,,,hindi ko maiwasang masaktan para sa aking kaibigan,hindi mo manlang siya hinintay,nagpakasal ka sa ibang babae..............
Malapit lang ang school na pinagtuturuan ko sa venue ng kasal nila,that day katex ko both of them,He's telling me to attend his wed,and my bestfriend expressing her feelings dat day.....................Hindi ako umattend,mahirap para sa isang kaibigan na makita ang ex ng bestfriend mo exchanging a vow sa iba,....


Hindi lahat may happy ending....sana lang makita ko ang aking bestfriend na masaya na sa panibagong buhay pag - ibig,ngumiti ka man sa camera nasasalamin pa rin sa mga mata mo ang kalungkutan.......................
Sana maghilom na ang puso mong nasugatan,move on and find someone who deserved to be loved by you..................